c.. Two (2) Forms on Information for the Plaintiff (Form I-SCC-Info) and Information for the Defendant (Form 3-SCC-Info), to wit:
"SMALL CLAIMS RULE" — is a special procedure where money claims for P100,000.00 or less are heard. The process is quick and inexpensive; the procedure is simple and informal.
(TUNTUNIN SA PAGSINGIL NG MALILIIT NA HALAGA — ay natatanging pamamaraan sa pagdinig kung saan ang halagang salapi na sinisingil ay P100,000.00 o mas mababa. Ang proseso ay simple at hindi pormal.)
You are the plaintiff. The person you are filing the case against is the defendant.
(Ikaw ang Naghahabla. Ang taong siyang sinampahan ng kaso ang Hinahabla.)
Before you fill up this Form, read these Instructions to know your rights. Or, you may inquire about your rights and the Small Claims Procedure with the Office of the Clerk of Court (OCC) of the place where you intend to file your claim.
(Bago mo sagutin ang form na ito basahin muna ang mga tagubilin upang malaman ang iyong mga karapatan. Maari ka ring magtanong, tungkol sa iyong mga karapatan sa Office of the Clerk of Court [OCC] ng lugar kung saan mo nais maghain ng reklamo ukol sa pagsingil ng maliit na halaga. )
If your case falls under the Small Claims Rule, these are the things you can do at home or in the barangay:
(Kung ang iyong kaso ay nasasaklaw ng Tuntunin sa Pagsingil ng Malilit na Halaga, ang mga bagay na ito ang maaari mong gawin sa bahay o sa barangay:)
GATHER ALL DOCUMENTS AND EVIDENCE PERTINENT TO THE CLAIM.
(TIPUNIN ANG LAHAT NG MGA DOKUMENTO AT MGA KATIBAYANG SUSUPORTA SA IYONG PAGSINGIL.)
Examples are: (Mga Halimbawa nito:)
Contract/Agreement (Kontrata/Kasunduan)
Promissory Note/Receipts/Affidavit of Witness/es/Other Important documents such as Check/s or Picture/s (Katibayan ng Pagkakautang/Resibo/Sinumpaang Salaysay ng mga Saksi/Testigo/iba pang dokumento tulad ng Tseke at larawan.)
LATEST DEMAND LETTER (IF ANY), ITS PROOF OF SERVICE AND PROOF OF RECEIPT
(PINAKAHULING LIHAM NG PANININGIL [KUNG MERON], KATIBAYAN NG PAGPADALA AT PAGKATANGGAP NITO.)
CERTIFICATE TO FILE ACTION FROM THE BARANGAY, IF NECESSARY
(KATUNAYAN NG PAGSASAMPA NG KASO SA HUKUMAN GALING SA BARANGAY, KUNG KINAKAILANGAN.)
SPECIAL POWER OF ATTORNEY IN CASE PLAINTIFF CANNOT ATTEND THE HEARING.
(NATATANGING GAWAD-KAPANGYARIHAN o "SPECIAL POWER OF ATTORNEY" KUNG ANG NAGHAHABLA AY HINDI MAKADALO SA PAGDINIG.)
SECRETARY'S CERTIFICATE OR BOARD RESOLUTION AUTHORIZING YOU TO FILE THE CASE, IF YOU ARE REPRESENTING A CORPORATION, PARTNERSHIP, COOPERATIVE OR ASSOCIATION.
(PATUNAY NG KALIHIM O RESOLUSYON NG LUPON NA NAGPAPAHINTULOT SA IYONG KUMATAWAN SA LUPON SA PAGSAMPA NG KASO.) ECHSDc
If you are unable to pay the filing fees because you have no adequate financial means, you may file the case as an indigent by getting FORM 6-SCC AND ATTACHING THE FOLLOWING DOCUMENTS:
Affidavit of indigency
Barangay Certificate of indigency
City or Municipal Assessor's Certificate
City or Municipal Treasurer's Office Certificate
Affidavit of 2 disinterested persons
(Kung hindi mo mabayaran ang filing fees dahil wala kang sapat na kakayahang pinansyal, maari kang magsampa ng kaso bilang isang taong walang sapat na kabuhayan sa pamamagitan ng pagsagot ng Form 6-SCC KALAKIP ANG MGA SUMUSUNOD NA DOKUMENTO:
Sinumpaang Salaysay na Walang Sapat ng Kabuhayan
Patunay ng Barangay na Walang Sapat na Kabuhayan
Patunay ng Panglungsod na Tagatasa (assessor)
Patunay ng Tanggapan ng Panglungsod na Ingat-Yaman
Sinumpaang Salaysay ng 2 Taong Hindi Interesado)
Fill up Form 1-SCC. Attach to the Form your supporting documents and affidavits of witnesses.
(Punuan ang Form 1-SSC. Ilakip sa Form ang iyong mga dokumento at sinumpaang salaysay ng mga testigo/saksi.)
Make copies of ALL pages of this form and your supporting documents (file the original in court, make a copy for each plaintiff or defendant named in the case and an extra copy for yourself).
(Gumawa ng kopya ng lahat ng pahina ng Form na ito at ng iyong mga dokumento [ihain ang orihinal sa hukuman, gumawa ng kopya para sa bawat Naghahabla o Hinahabla sa kaso at karagdagang kopya para sa iyo.])
If the original documents consist of records that could not be separated, you can photocopy the pertinent document and have it certified by the Clerk of Court in the OCC as a faithful reproduction of the original.
(Kung ang orihinal na dokumento ay di maihiwalay, maari mong ipakopya ito at ipa-certify sa Clerk of Court ng OCC na ang dokumento ay totoo at tapat na kopya ng orihinal)
Have the form and all your supporting documents, especially the Verification form, notarized by the Clerk of Court in the OCC.
(Kailangan ang Form at lahat ng kalakip na dokumento, lalong higit ang Form ng Patotoo ay pinatunayan/ninotaryo ng Clerk of Court [OCC] o Branch Clerk of Court.)
Pay the filing fee. (except if your motion to sue as an indigent has been granted)
(Magbayad ng bayarin sa pagtala [maliban kung ang iyong kahilingan na makapagsampa ng kaso bilang isang taong walang sapat na kabuhayan ay napagtibay na.])
Get the date and time of your hearing from the court to which your case was assigned.
[Alamin ang araw at oras ng pagdinig sa hukuman kung saan ang iyong kaso ay nakabinbin.]
GO TO THE COURT ON YOUR HEARING DATE. Bring the originals of all certified documentary evidence attached to your Form 1-SCC to prove your case.
[PUMUNTA SA HUKUMAN SA PETSA AT ARAW NG PAGDINIG. Dalhin ang mga orihinal ng lahat ng dokumento ng katibayan, higit lalo yaong kalakip sa iyong Form 1-SCC para patunayan ang iyong kaso.]
YOU CANNOT HAVE A LAWYER AT THE HEARING. You may consult a lawyer before or after the hearing but the lawyer cannot appear for or with you at the hearing.
(HUWAG KANG MAGSAMA NG ABOGADO SA PAGDINIG. Maari kang makipag-usap o kumonsulta sa abogado bago o pagkatapos ng pagdinig pero ang abogado ay hindi pinahihintulutang dumalo para sa iyo sa pagdinig.)
If you are representing a corporation, partnership, cooperative or association, you must bring your original written authority to appear at the hearing and to enter into an amicable settlement, to submit to alternative modes of dispute resolution, and to enter into stipulations or admissions of facts and of documents.
(Kung iyong kinakatawan ay korporasyon, bakasan, kooperatiba o asosasyon/samahan, kinakailangang magdala ka ng orihinal na gawad-kapangyarihan na dumalo sa pagdinig at para sa mapayapang pag-aayos, sumailalim sa alternatibong paraan ng pag-aayos o gumawa ng pag-amin o makipagkayari sa mga pangyayari at dokumento.)
You must be aware that upon the filing of this case, the judge may dismiss your claim if she or he finds legal grounds for dismissal such as lack of jurisdiction over the subject matter, improper venue, etc. as enumerated in Section 1 of Rule 16 of the 1997 Rules of Civil Procedure.
(Binibigyan ka ng babala na sa pagsampa ng kaso, maaaring maipawalang-saysay ng hukuman ang iyong kaso kung nakita niya na mayroong legal na batayan para maipawalang-saysay ito, tulad ng kawalan ng kapangyarihan sa bagay ng kaso, hindi wasto ang lugar na pinagsampahan ng kaso, etc. na isinasaad sa Section 1, Rule 16, 1997 Rules of Civil Procedure.)
"SMALL CLAIMS RULE" — is a special procedure where money claims for P100,000.00 or less are heard. The process is quick and inexpensive; the procedure is simple & informal.
(TUNTUNIN SA PAGSINGIL NG MALILIIT NA HALAGA — ay natatanging pamamaraan sa pagdinig kung saan ang halaga ng salapi na sinisingil ay P100,000.00 o mas mababa. Ang proseso ay simple at hindi pormal)
You are the defendant — the person against whom the case is filed. The person who is filing the case is the plaintiff.
(Ikaw ang Hinahabla, ang taong sinampahan ng kaso. Ang taong nagsampa ng kaso ay ang Naghahabla.)
Read this form & all pages attached to understand the claim against you & to protect your rights.
(Basahin ang Form na ito at ang lahat ng pahina na kalakip upang maunawaan ang kaso laban sa iyo at upang mapangalagaan ang iyong mga karapatan.)
You must file your Response & attend the hearing on the date indicated in the Notice of Hearing. If you do not go to court, you may lose the case.
(Ikaw ay kinakailangang magsumite ng iyong Sagot at pumunta sa korte sa petsa ng pagdinig na nakasulat sa Abiso sa Pagdinig. Kung hindi ka makakapunta sa korte maari kang matalo sa kaso. )
Make copies of the Response & all its pages & attached documents (file the original in court & serve one copy on each plaintiff & keep an extra copy for yourself)
(Gumawa ng mga kopya ng Sagot at lahat ng mga pahina nito at ilakip ang mga dokumento [ihain ang original sa hukuman at bigyan ng kopya ang Naghahabla at mag-iwan ng kopya para sa iyo]).
Do I need a lawyer?
(Kailangan ko ba ang abogado?)
You may consult a lawyer but YOU CANNOT HAVE A LAWYER WITH YOU AT THE HEARING.
(Maaari kang komunsulta sa abogado pero HINDI KA MAAARING MAGSAMA NG ABOGADO SA PAGDINIG.)
What if I don't speak English well?
(Paano kung hindi ako makapagsalitang mabuti ng Ingles?)
The judge will speak in Filipino or the local dialect. A court-provided interpreter shall also be available on the hearing day.
(Ang hukom ay magsasalita sa Filipino o sa local na diyalekto. Ang panghukumang tagasalin ay maaaring magamit sa araw ng pagdinig.)
How do I get ready for court?
(Paano ako makapaghahanda sa hukuman?)
Fill up the form entitled "Response" and file it in court within ten (10) calendar days from your receipt of the form. If you have questions regarding the Form, you can inquire with the court that served you the summons & the Response. The telephone no. of the court is written on the Summons.
(Punuan ang Form na "Sagot" at ihain ito sa hukuman sa loob ng sampung (10) araw simula sa pagtanggap ng Form. Kung ikaw ay mayroong mga tanong tungkol sa Form, maaari kang magtanong sa korte na nagpadala ng Patawag at ng Sagot. Ang numero ng telepono ng hukuman ay nakasulat sa Patawag.)
What happens if I don't file the Response and appear at the hearing?
(Anong mangyayari kung hindi ako naghain ng Sagot at hindi dumalo sa pagdinig?)
The court shall proceed with the hearing and, if you are absent, the court shall make a judgment as may be warranted by the facts.
(Ang korte ay magpapatuloy sa pagdinig at, kung ikaw ay hindi dumalo, ay magpapasiya at magbibigay ng desisyon ayon sa nararapat.)
What happens at the hearing?
(Anong mangyayari sa pagdinig?)
If you & the plaintiff will appear at the hearing, the judge will listen to both of you. The judge shall conduct mediation and encourage you & the plaintiff to settle your case. If you don't settle, the judge shall render a decision on the day of hearing itself. You cannot appeal this decision.
(Kung ikaw at ang naghahabla ay dadalo sa pagdinig, ang hukom ay makikinig sa inyong dalawa. Ang hukom ay hihikayat sa inyong magka-ayos at magkasundo at lutasin ang inyong di pagkakaunawaan. Kung hindi kayo magkakasundo, ang hukom ay gagawa ng desisyon sa araw mismo ng pagdinig. Hindi ka na maaaring mag-apela sa desisyon ng korte.)
Do I have options?
(Meron ba akong pagpipilian?)
Yes. If you are the defendant, you can do any of the following:
(Oo. Kung ikaw ang Hinahabla, maaari mong gawin ang alinman sa mga sumusunod.)
Settle your case before the hearing. If you and the plaintiff agree on how to settle the case, both of you must notify the court. Ask the OCC or Branch Clerk of Court for help.
(Ayusin mo ang usapin bago pa dumating ang pagdinig. Kung ikaw at ang Naghahabla ay nagkaayos kung paano pagkasunduan ang kaso, pareho ninyong ipaalam sa hukuman. Humingi ng tulong sa Office of the Clerk of Court (OCC) o sa Branch Clerk of Court.)
File the Response. Appear at the hearing. Bring the affidavits of witnesses, receipts and any evidence you need to prove your case.
(Maghain ng Sagot. Dumalo sa pagdinig. Dalhin ang mga sinumpaang salaysay ng mga testigo, mga resibo at anumang katibayang iyong kailangan upang patunayan ang iyong usapin.)
Agree with the plaintiff's claim & pay the money. Or, if you can't pay the money now, go to the hearing and say you want to make payments by installment.
(Sumang-ayon sa halagang sinisingil ng Naghahabla at bayaran ito. O, kung hindi mabayaran ang sinisingil ngayon, dumalo ka sa pagdinig at sabihin sa korte na gusto mong magbayad ng hulugan.)
Let the case proceed without you. If you don't settle & do not go to the hearing, the judge may give the plaintiff what he or she is asking for plus court costs. If this happens, the court may order that your money or property be taken to pay the judgment.
(Magpapatuloy ang kaso kahit wala ka. Kung hindi ka nakipag-ayos at hindi ka dumalo sa pagdinig, maaaring ipagkaloob ng hukom ang anumang hinihingi ng Naghahabla, pati na ang gastos sa paghain ng kasong ito. Kung ito ay mangyari, ang korte ay maaring mag-utos na ang iyong pera o ari-arian ay kuhanin para bayaran ang nakasaad sa desisyon ng korte.)